^

Ginto!

PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2015 - 12:00am

Mataas pa sa presyo ng ginto ang presyo ng tickets sa laban nila Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa May 2 sa Las Vegas.

Pinakamura na raw na ticket ay $1,000 o mahigit P44,000. Sa taas yan ng MGM Grand. Kumbaga, blea­chers section.

May tickets din na nagkakahalaga ng $5,000.  Ang problema nga lang ay mukhang sa black market din babagsak ang mga ito.

Dahil ngayon pa lang, may mga binebenta na sa eBay na tickets kahit na hindi pa ito hawak ng mga nagbebenta.

Ito siguro yung mga taong nakakasigurong makakakuha sila ng tickets sa pinakamabigat na boxing match sa panahon natin.

Si Mayweather ang may control ng mga tickets sa laban na ito.

May binebenta na sa internet na tickets na nagkakahalaga ng $50,000 or mahigit P2 million. Ringside tickets ito.

Ito ang ticket na puwede mong makatabi sila Kobe Bryant o Michael Jordan o ang mga sikat na artista gaya ni Will Smith, Denzel Washington at Sylvester Stallone.

Ang kwento nga ni Bob Arum, ang Amerikanong promoter ni Pacquiao, ay may nag-offer na raw sa kanya ng $100,000 para sa upuan niya.

Pabirong sinabi ni Arum na taasan lang ang offer sa $200,000 ay pakakawalan na niya ang kanyang upuan.

Siguradong aapaw sa tao ang MGM Grand pagdating ng laban.

Pahirapan ang tickets at ngayon pa nga lang ay wala na rin bakanteng kwarto sa MGM Grand. Puno na. Fully booked na.

Paduguan ang pagkuha ng tickets dito.

Kaya ngayon pa lang ay nagsabi na si Pacquiao sa mga kaibigan niya na hindi niya kayang bigyan lahat ng tickets.

Grabe kasi mamigay ng fight tickets si Pacquiao. Pero hindi ngayon. Limitado ang tickets na mapapasa­kamay ni Pacquiao.

Kaya sa TV na lang siguro sila manonood. May replay at slow motion pa. 

Sorry na lang.

BOB ARUM DENZEL WASHINGTON FLOYD MAYWEATHER KAYA KOBE BRYANT LANG PACQUIAO TICKETS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with