^

PSN Palaro

42-pts. ni James gumiba sa Warriors

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND – Sinabi ni LeBron James na hindi ito isang personal statements.

Ngunit ginawa rin niya ito.

Umiskor si James ng season-high 42 points at tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Golden State Warriors, 110-99, para sa kanilang pang-18 panalo sa huling 20 games.

Nagdagdag si James ng 11 rebounds at sinapawan si MVP candidate Stephen Curry para ungusan ng Cleveland ang Golden State na may best record sa NBA.

Ito ang ika-11 sunod na home victory ng Cavaliers.

Hindi pinansin ni James ang sinasabing pagbandera niya sa MVP race.

Nagkaroon naman si All-Star guard Kyrie Irving, tumipa ng 24 points, ng left shoulder injury at hindi sumama sa Cleveland papuntang Indiana para sa kanilang laro ng Pacers sa Biyernes.

Iniwan ni Irving ang laro sa third quarter at dumiretso sa locker room, ngunit nagbalik sa fourth period.

Nagtala si Curry ng 18 points para sa Warriors.

Sa isa pang laro, tinalo ng Phoenix Suns ang Oklahoma City Thunder, 100-93.

BIYERNES

CLEVELAND CAVALIERS

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

INIWAN

IRVING

KYRIE IRVING

OKLAHOMA CITY THUNDER

PHOENIX SUNS

STEPHEN CURRY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with