Special belt para sa Pacquiao-Mayweather fight
ATan (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ang espesyal na laban tulad ng Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. ay dapat magkaroon ng espesyal na belt na pinag­la­labanan.

Ito ang gagawin ng World Boxing Council (WBC) na kung saan si Mayweather ang kanilang kampeon sa welterweight.

“For this special  recognition, I would like to have emeralds or platinum, but everything will be defined during the next weeks. This is because of the magnitude of the event, which will be broadcast via TV networks globally,” ani WBC president Mauricio Sulaiman sa WBC website.

Kinilala pa ni Sulaiman na ang Pacquiao-Mayweather fight sa Mayo 2 ay isa sa pinakamahalagang boxing event sa kasaysayan ng sports lalo pa’t ang dalawang magkikita ay parehong tinitingala sa kapanahunang ito.

“It came in a good moment and it will be an emotive event. Both are ob­viously putting their legacy at stake, to prove who’s the best, satisfying an enormous created expectance. There are also competing to be considered one of the best 10 fighters in the entire boxing history,” dagdag nito.

Kasabay nito ay ang nararamdamang kalungkutan dahil sa napakamahal na tiket para mapanood ng live ang laban sa MGM Grand  Arena sa Las Vegas.

Mabuti na lamang at ang mega-fight na ito ay maipapalabas sa telebisyon .

“It is a big shame that tickets are staying with wealthy people. However, boxing fans will have the opportunity to watch the fight via TV. Economic interests are involved with resulting high prices,” pahabol pa ni Sulaiman.

FLOYD MAYWEATHER JR. KASABAY KINILALA LAS VEGAS MANNY PACQUIAO MAURICIO SULAIMAN SULAIMAN WORLD BOXING COUNCIL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with