Pinas sasandal sa matitikas na jins sa Asia-Pacific taekwondo championship
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Mga subok ng taek­won­do jins ang bubuo sa Pambansang koponan na lalaro sa 2015 Asia-Pacific Taekwondo Invitational Championships mula Peb­rero 28 hanggang Marso 1 sa SM Mall sa Iloilo City.

Mangunguna sa kopo­nang ilalahok ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ay sina ASEAN University Games gold medalist Francis Aaron Agojo at 2013 SEA Games gold winner Jade Zafra.

Ang iba pang kasapi na inaasahang mananalo ng medalya ay sina Irene Therese Bermejo, Christian Al dela Cruz, Benjamin Keith Sembrano, Samuel Morrison at Mary Anjelay Pelaez.

Si Bermejo ay isang silver medalist sa 10th World Junior Taekwondo Championships sa Taipei noong nakaraang taon, si Dela Cruz ay isang bronze medalist sa Korea Open noong  2014 habang sina Sembrano, Morrison at Pelaez  ay mga nanalo ng bronze sa Incheon Asian Games.

Siyam na bansa ang maglalaban-laban sa dalawang araw na kompetisyon na gagawin sa unang pagkakataon at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), City Government of Iloilo, PTA, World Taekwondo Federation, SMART, SM at MILO.

Nangunguna na sa dayuhan ay ang South Korea na kung saan nagmula ang contact sport na ito bukod pa sa US, Vietnam, Guam, Japan at Mongolia.

ASIA-PACIFIC TAEKWONDO INVITATIONAL CHAMPIONSHIPS BENJAMIN KEITH SEMBRANO CHRISTIAN AL CITY GOVERNMENT OF ILOILO DELA CRUZ FRANCIS AARON AGOJO ILOILO CITY INCHEON ASIAN GAMES IRENE THERESE BERMEJO JADE ZAFRA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with