^

PSN Palaro

Roach hinihintay ang anunsyo ni Mayweather

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaasa ang beteranong trainer na si Freddie Roach na ihahayag na ni Floyd Mayweather Jr. kung matutuloy ang laban nia ni Manny Pacquiao.

Sinabi ni Roach na nauubusan na sila ng oras para mag-ensayo kung matutuloy man ang Mayo 2 na bakbakang Pacquiao-Mayweather.

"We are getting really close," wika ni Roach sa Agence France Presse.

Walong-linggong training camp ang tinitignan ni Roach para kay eight-division champion Manny Pacquiao.

"I need eight weeks. That window is getting smaller and smaller," ani Roach.

"The boxing would start six weeks out, because if you go more than six weeks with Manny you'll burn him out because of his work ethic," dagdag niya.

Sa huling pahayag ni Mayweather nitong NBA All-Star game sa New York ay itinanggi niya na kasado na ang kanilang laban ni Pacquiao.

Naniniwala si Roach na mangyayari ito dahil nais naman ng dalawang boksingero maglaban.

"I think we're close enough, it will happen sometime in the near future," komento ni Roach. "Floyd says he wants to fight. Manny says he wants to fight. Fights get made like that."

AGENCE FRANCE PRESSE

FLOYD

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

MAYWEATHER

NANINIWALA

NEW YORK

PACQUIAO

ROACH

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with