Aquino may pa-tryout para sa PH women’s team
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Umaasa si Philippine women’s basketball team head coach Patrick Henry Aquino, iginiya ang National University Lady Bulldogs sa UAAP championship, na marami pang lalahok sa tryouts para sa national squad.

Kasalukuyan nang nag­sasagawa si Aquino ng tryouts sa 3rd floor ng SGS Building at 1335 Araneta Ave., Barangay Sto. Domingo sa Quezon City.

Ang mga tryouts ay nakatakda sa Pebrero 7, 9, 10 at 11 sa ganap na alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi. Ang mga interesado ay maaring tumawag sa 0917-8686234 para sa iba pang detalye.

Ang mga automatic candidates ay ang mga pla­yers mula sa natio­nal pool ni dating coach Haydee Ong .

Hangad ni Aquino na makumpleto ang 12-pla­yer lineup na isasabak sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) tournament at sa Southeast Asian Games sa Singapore.

AQUINO ARANETA AVE BARANGAY STO HAYDEE ONG NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS PATRICK HENRY AQUINO QUEZON CITY SOUTHEAST ASIAN BASKETBALL ASSOCIATION SOUTHEAST ASIAN GAMES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with