PNoy Sports bubuksan ngayon sa Tarlac
RMPangilinan (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dadalhin ng Yellow Ribbon Movement (YRM) ang PNoy Sports sa Hacienda Luisita sa Tarlac ngayong araw.

Tinatayang magpapartisipa ang 11 barangay mula Luisita ang makikiisa sa kaganapan na bahagi sa paggunita ng ika-82nd kaarawan ni dating Pangulo Corazon Aquino noong Enero 25.

“We are proud to bring this event to the North, particular in Tarlac, the home of two great presidents and a national hero,” pahayag YRM President Margie Juico.

Ito ang ikatlong pagka­kataon na nagdaos ng ga­­nitong kaganapan ang YRM na ang hangarin ay bigyan ng pagkakataon ang mga bata na  makapag-ehersisyo gamit ang mga larong katutubo sa bansa.

Ang una ay ginawa sa Quezon Memorial Circle noong Agosto 2013 at ang ikalawa ay nangyari noong Nobyembre 2014 sa Rizal Park.

Makakasama sa bisita ay si Mike Swift, ang unang Pinoy sa America na may sariling record label.

Ipaparinig din niya sa mga dadalo ang kanyang awit na “Idol Ko, kasama si Kylie Padilla na inawitnoong Nov. 2014 sa Rizal Park.

HACIENDA LUISITA IDOL KO KYLIE PADILLA MIKE SWIFT PANGULO CORAZON AQUINO PRESIDENT MARGIE JUICO QUEZON MEMORIAL CIRCLE RIZAL PARK TARLAC
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with