Pacquiao-Mayweather fight dapat nang mangyari -- WBC president
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Maaaring maapektuhan ang suporta ng kanilang mga tagahanga sakaling hin­di na naman mapaplan­tsa ang banggaan nina Man­ny Pacquiao at Floyd May­weather, Jr. ngayong ta­on.

Ito ang sinabi ni World Bo­xing Council (WBC) pre­sident Mauricio Sulaiman kaugnay sa patuloy na paghihintay ng mga bo­xing fans sa Pacquiao-May­weather super fight.

“I hope they make it. There can’t be any egos and people (negotiating) are only looking at the business  side,” wika ni Sulaiman. “I feel there are the egos in­volved and economically there is so much money in­volved that everyone can have their egos satisfied.”

Halos limang taon nang ti­natangkang itakda ang bang­gaan ng 36-anyos na si Pacquiao (57-5-2, 38 KOs) at ng 37-anyos na si Mayweather (47-0-0, 26 KOs).

Ang mga isyung bumabalot dito ay ang hatian sa prize money at pagsailalim sa isang Olympic-style random drug at blood testing.

Kamakailan ay tinanggap ni Mayweather ang ha­mon sa kanya ni Pacquiao.

Sinabi ni Mayweather na handa siyang labanan ang Filipino world eight-division champion sa Mayo 2, 2015.

Ngunit ayon kay Pacquiao, maniniwala lamang si­­ya kung makikita niya ang mismong lagda ng American world five-division titlist sa fight contract.

Sinabi ni Sulaiman na da­pat nang mangyari ang Pacquiao-Mayweather me­ga showdown ngayong ta­on.

“It is a necessary fight. I think if it does not happen soon, then people are going to get tired or even give up,” wika ni Sulaiman.

Kung muling hindi mag­kakasundo ang mga kam­po nina Pacquiao at Mayweather ay may iba pang op­syon ang kanilang mga pro­moters.

“Right now, there are so many fight combinations being discussed, that the public will move on (to something else if there is no deal),” dagdag pa ng WBC chief.

Sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na ma­­raming maaaring itapat kay Pacquiao at hindi lamang si Mayweather. (RC)

BOB ARUM FLOYD MAY MAURICIO SULAIMAN MAYWEATHER PACQUIAO SHY SINABI SULAIMAN TOP RANK PROMOTIONS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with