^

PSN Palaro

Semis kinumpleto ng Legends

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpleto ng Siargao Legends ang mga ko­ponang maglalaro sa semifinals nang patalsikin ang FEU-NRMF, 88-79, noong Miyerkules ng gabi sa 4th DELeague Invitational basketball tournament sa Marikina Sports Center.

Si Leo Avenido ay may 19 puntos, si Charles Mammie ay naghatid ng 14 puntos at 10 rebounds at si dating PBA MVP Willie Miller ay tumipa ng 13 puntos, pitong assists at anim na rebounds para sa Legends na itinatak ang laro sa ikatlong yugto para tuluyang iwanan ang naunang lumamang na Tamaraws.

Makakasama ng Le­gends ang mga koponan ng Hobe JVS, Sta. Lucia Land Inc. at Sealions sa semifinals sa ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del De Guzman at suportado ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, PS Bank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant Concepcion, Mckie’s Equipment Sales and Rental, Cars Unli­mited- Fairview Auto Sale at Tutor 101.

Single round robin ang labanan sa Final Four at ang mangungunang dalawang koponan ang magtutuos para sa kampeonato.

May 30 puntos bukod sa anim na rebounds at limang assists si Jawhar Purdy habang 16 puntos at 10 board ang ambag ni Edward Roberts para sa Tamaraws.

 

BANK BLUE WAVE MARQUINTON BRANCH

CARS UNLI

CHARLES MAMMIE

EDWARD ROBERTS

EQUIPMENT SALES AND RENTAL

FAIRVIEW AUTO SALE

FINAL FOUR

JAWHAR PURDY

LUCIA LAND INC

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with