Jins, bilyarista walang insentibo

(Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dahil ang mga sinali­hang world championships ay ginagawa taun-taon kung kaya’t walang matatanggap na insentibo ang mga taekwondo jins at junior billiards players na nanalo ng medalya ka­makailan.

Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, ang mga nilahukang torneo ng mga atleta sa taekwondo at billards ay hindi kasama sa binibigyan ng insentibo ng pamahalaan base sa RA 9064 o Incentives Act dahil ang kinikilala lamang ng batas ay mga world championships na ginagawa tuwing apat na taon.

Nag-uwi ng tatlong ginto, dalawang pilak at tatlong bronze medals ang Pilipinas sa World Taekwondo Poomsae Championships sa Aguacalientes, Mexico habang sina Jeffrey Roda at Cheska Centeno ay sumungkit ng pilak at bronze medals sa World Junior Pool Championships sa Shanghai, China.

Kasalukuyang dinidinig sa Kongreso ang rebisyon sa RA 9064 para isama ang ibang malaking kompetisyon na sinasalihang bansa pero hindi binibigyan ng pamahalaan ng in­sentibo.

Kasama rin sa pinag-uusapan ay ang pagpapalaki sa gantimpala na ibinibigay ng gobyerno sa mga differently-abled athletes na nananalo sa Para-Games.

Sa kasalukuyan ay nagbigay ang PSC ng insentibo sa mga diffe­rently-abled athletes mula sa kanilang pondo at ang mga nanalo ng medalya sa Incheon, Korea ay gina­waran ng P25,000.00, P15,000.00 at P10,000,00.

Pero ang insentibo ay hindi pa kinukuha ng mga nanalong atleta dahil mas­yado umano itong mababa kumpara sa tinatanggap ng mga abled-athletes.

“They are not covered by RA 9064 and we can’t do anything about it,” dagdag ni Garcia.

Kasabay nito ay ang pag­papalabas ng pon­do ng PSC ng hala­gang P850,000,00 bilang gan­tim­pala sa mga atleta at coaches na nanalo sa Asian Beach Games sa Phuket, Thailand.

May 3 ginto, 2 pilak at 7 bronze ang nasungkit ng delegasyon at ang ginto ay nagkakahalaga ng P100,000.00, ang pilak ay P50,000.00 at ang bronze ay P25,000.00. (ATan)

ASIAN BEACH GAMES CHESKA CENTENO INCENTIVES ACT JEFFREY RODA RICARDO GARCIA SHY WORLD JUNIOR POOL CHAMPIONSHIPS WORLD TAEKWONDO POOMSAE CHAMPIONSHIPS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with