Orcollo yukod kay Melling sa 1st round
ATan (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Bigo ang hangarin ni Dennis Orcollo na masik­wat ang ikalawang titulo sa 2014 PartyPoker World Pool Masters sa Portland Centre, Notthingham, England nang matalo siya kay Chris Melling ng England, 6-8, sa unang laro noong Sabado ng gabi.

Ang magandang ipina­kita ni Orcollo sa first rack sa race-to-9 ay biglang nag­laho dahil sa mga mintis upang ibigay kay Melling ang sumunod na apat na racks para sa 1-4 iskor.

Isang dry break ni Melling ang ginawang puntos para sa No. 3 seed mula sa Pilipinas pero nasayang ang pagkahulog ng tatlong bola sa sargo ni Orcollo nang walang magandang tira para makuha pa ni Melling ang panalo.

Nasundan pa ito ng ma­gandang sargo ng English player na kilala sa husay sa snooker dahil beterano ng World Snooker  Tour  para ha­wakan ang 6-2 bentahe.

Nag-iba ang ihip ng ha­ngin sa puntong ito at si Orcollo ang sinuwerte at minalas si Melling para ma­nalo ang una sa sumunod na apat na racks at magtabla ang dalawa sa 6-all.

Pero minalas Orcollo dahil hin­di niya naipasok ang one-ball sa 13th rack at na­sundan pa ito ng scratch sa 14th game.

BIGO CHRIS MELLING DENNIS ORCOLLO ISANG ORCOLLO PORTLAND CENTRE SHY WORLD POOL MASTERS WORLD SNOOKER
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with