PLDT national team kumubra ng 3 ginto sa poomsae world tourney
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tatlong  ginto, dala­wang pilak at tatlong bronze me­dals ang hinakot ng PLDT Home Bro taekwondo  poomsae national team sa katatapos na World Taek­wondo Poomsae Championships na ginawa sa Aguacalientes, Mexico.

Tumapos ang Pilipinas sa ikalimang puwesto mula sa 50 bansang sumali para lalong paigtingin ang pagiging isang world power ng mga jins sa nasabing kompetisyon.

Si Jean Pierre Sabido ang nanalo sa freestyle individual male bago sinamahan sina Ernesto Guzman Jr. at Glenn Lava para pa­ngunahan ang recognized poomsae sa 30-years old pataas.

Ang ikatlong ginto ay mula sa mixed team nina Rani Ann Ortega, Ma. Carla Janice Lagman, Lava, Jeor­dan Dominguez at Jaylord Seridon.

Si Guzman ay naghatid pa ng pilak sa under 40 habang sina Dominguez at Jocel Lyn Ninobla ay may pilak sa over-17 freestyle mixed pair event.

Sina Dustin Jacob Mella, Raphael Enrico Mella at Rodolfo Reyes Jr. (under 30); Rinna Babanto (individual female U-17) at ang freestyle poomsae individual female (U17) ang mga sumungkit ng bronze.

Nakasali ang koponan dahil sa suporta ng SMART Communications Inc., MVP Sports Foundation, PLDT, TV5, Meralco at Philippine Sports Commission.

 

CARLA JANICE LAGMAN COMMUNICATIONS INC DOMINGUEZ ERNESTO GUZMAN JR. GLENN LAVA HOME BRO JAYLORD SERIDON JOCEL LYN NINOBLA PHILIPPINE SPORTS COMMISSION
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with