^

Petron asam ang ika-2 panalo

Angeline Tan (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2014 - 12:00am

Laro Ngayon

(Sto. Domingo, Ilocos Sur)

 4 pm  Mane ‘N Tail

vs Petron

6 pm  Generika

 vs RC Cola-Air Force

 

MANILA, Philippines - Sisipatin ngayon ng Petron Lady Blaze Boos­ters ang ikalawang sunod na panalo sa pagsukat sa expansion team Mane ‘N Tail sa 2014 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix na handog ng Asics sa Sto. Domingo Coliseum, Ilocos Sur.

Ibinabandera nina im­ports Erica Adachi at Alaina Bergsman bukod pa sa mahusay na si Dindin Santiago, ang Petron na paboritong manaig sa Lady Stallions sa larong magsisimula sa alas-4 ng hapon.

Galing ang koponan sa 26-24, 25-18, 23-25, 25-23, panalo sa Generika at ang makukuhang panalo ay magtutulak sa Petron na makasosyo ang Cignal HD Spikers sa liderato sa ligang inorganisa ng Sports Core katuwang ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

“Hindi puwedeng magkumpiyansa. Hindi pa namin alam ang laro ng Mane ‘N Tail kaya dapat ma­ging handa,” wika ni Petron coach George Pascua.

Natalo ang Lady Stallions sa Cignal sa unang laro kaya’t asahan ang koponan ni Francis Vicente na ibabandera nina Kaylee Manns at Kristy Jaeckel na pupukpok para makuha ang unang panalo.

Pagtatangkaan din ng RC Cola-Air Force Raiders ang ikalawang sunod na panalo matapos ang tatlong laro laban sa  Generika sa ikalawang sultada dakong alas-6 ng gabi.

Mula sa straight sets panalo ang Raiders sa Foton at sina Bonita Wise, Emily Brown, Iari Yongco, Maika Ortiz at Rhea Dimacula­ngan ang magdadala sa laban kontra kina Natalia Kurobkova, Miyuu Shinohara, Cha Cruz, Stephanie Mercado at Michelle Gumabao.

Kahapon ay nagsagawa ng clinics ang mga manlalaro para mapalawig ang volleyball sa Ilocos Sur.

ALAINA BERGSMAN BONITA WISE CHA CRUZ CIGNAL GENERIKA ILOCOS SUR LADY STALLIONS N TAIL PETRON
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with