^

PSN Palaro

Shakey’s V-League season 11th; Lady Troopers, Volley Masters pupuwesto na sa Finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Puwesto sa cham­pion­ship ang pagtutuunan ngayon ng Army Lady Troopers at Instituto Estetico Manila Volley Masters sa Shakey’s V-League Season 11 Third Confe­rence sa The Arena, San Juan City.

Ang Volley Masters ay makakaharap ang FEU Tamaraws at paboritong makuha ang ikaapat na panalo sa limang laro sa ganap na alas-4 ng hapon.

Tinalo na ng IEM ang Tamaraws sa unang pagtutuos, 25-20, 25-22, 25-20, at ang pagwalis sa kanilang head-to-head sa elimination round sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s ay magreresulta rin para pumasok na sila sa Finals.

Ang FEU at Rizal Technological University Blue Thunders ay may 1-3 karta at para manatiling buhay ang paghahabol ng puwesto sa championship round, kailangan nilang wa­lisin ang nalalabing da­la­wang laro at umasang hindi makuha ng IEM o Systema Active Smashers ang kanilang ikaapat na panalo.

Si Jeffrey Jimenez  na siyang nangunguna sa pagpuntos sa liga sa 60 total hits, ang babalikat uli sa laban ng IEM.

Ikalimang sunod na pa­nalo ang makukuha ng Open Conference cham­pion Army kung makaulit sila sa Cagayan Valley Lady Rising Suns sa ikala­wang laro sa alas-6 ng gabi.

Hiniritan ng Lady Troo­pers ang Lady Rising Suns ng 17-25, 25-17, 17-25, 25-21, 15-13, panalo sa unang pagtutuos sa kompetisyong suportado pa ng Accel at Mikasa.

Tiyak na mapapalaban ang tropa ni coach Rico de Guzman dahil magagamit na ng Cagayan ang kanilang mga imports na sina Amporn Hyapha at Patcharee Saengmuang.

Dahil dito, inaasahang itataas pa nina Dindin Santiago, leading scorer sa kababaihan sa 65 puntos, Jovelyn Gonzaga (53), Mary Jean Balse, (50), Rachel Ann Daquis, Tina Salak at Nerissa Bautista ang laro para maisantabi ang mas malakas na ha­mon ng katunggali. (AT)

vuukle comment

AMPORN HYAPHA

ANG VOLLEY MASTERS

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

DINDIN SANTIAGO

INSTITUTO ESTETICO MANILA VOLLEY MASTERS

JOVELYN GONZAGA

LADY RISING SUNS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with