Krusyal na panalo pakay ng PLDT vs Meralco
ATan (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Krusyal na panalo ang nakataya sa PLDT Home Telpad Turbo Boosters sa pagharap sa wala pang panalong Meralco Power Spikers sa Shakey’s V-League Season 11 Third Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

May isang panalo sa tatlong laro ang karta ng PLDT at dapat na maipanalo ang larong magsisimula dakong alas-6 ng gabi para gumanda pa ang  tsansa na makapasok sa championship sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s bukod pa sa ayuda ng Accel at Mikasa.

Sa ngayon ay naiusad na ng Army Troopers ang isang paa sa Finals matapos kunin ang ikaapat na sunod na panalo laban sa Power Spikers 25-23, 23-25, 25-20, 25-19, habang namumuro ang Cagayan Valley Lady Rising Suns sa pumapangalawang 2-1 baraha.

May tatlong laro pa ang Turbo Boosters at lalaki ang kanilang pag-asa na maglaro sa titulo kung maipanalo ang natitirang tatlong laro sa second round.

Asahan din ang matinding laban na ibibigay ng Meralco na sa 0-4 karta ay puwede pang makahirit ng playoff para sa ikalawa at huling upuan sa final round.

Mangyayari ito kung wawalisin nila ang nala-la­bing dalawang laro at ang Lady Rising Suns at Turbo Boosters  ay hindi umabot sa tatlong panalo.

Kapag nangyari ito, magkakaroon ng playoff para sa huling tiket sa Finals.

Balak naman ng Instituto Estetico Manila Volley Masters na lumapit sa puwesto sa finals sa men’s division sa pagharap sa Rizal Technological University Blue Thunders sa unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon.

Ikatlong panalo sa apat na laro ang naitatala ng Volley Masters para saluhan ang pahingang Systema Active Smashers na solong nasa unahan sa 3-1 baraha.

 

ARMY TROOPERS CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS HOME TELPAD TURBO BOOSTERS INSTITUTO ESTETICO MANILA VOLLEY MASTERS LADY RISING SUNS MERALCO POWER SPIKERS POWER SPIKERS RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY BLUE THUNDERS SAN JUAN CITY TURBO BOOSTERS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with