Kiefer Ravena lalaro sa Masskara Festival
Nap Gutierrez (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni UAAP MVP Kiefer Ravena ang isang basketball exhibition game na gaganapin ngayong alas-4 ng hapon sa La Salle Gym sa Bacolod City na  kasabay sa pagdiriwang ng Masskara Festival.

Ang proyektong ito ay inihatid ng MJM Production ni Edgar Mangahas at ang beneficiary ay ang Kasadya Foundation Inc, sa pakikipagtulungan ng Star Magic ng ABS CBN.

Kabilang sa mga artistang darating ay sina Enrique Gil, JC De Vera, Rayver Cruz, Jason Abalos. Young JV , Aaron Villaflor, EJ Falcon Matt  Evans,  at Dominic Roque.

Samantalang ang mga college players na lalaro ay pangungunahan ni Ravena kasama sina Gelo Alolino, Rayray Parks, Mark Belo, Mike Tolomia, Pao Javelona, Roi Sumang, Glenn Khobuntin at Jonathan Grey.

Sabi ni Edgar, na siya ring team owner ng MJM Buil­ders na isa sa mga kasaling teams sa D-League ngayong darating na conference, naging taunang pagtatanghal na ito ng kanyang production company sa Bacolod tuwing sasapit ang Masskara festival.

AARON VILLAFLOR BACOLOD CITY DE VERA DOMINIC ROQUE EDGAR MANGAHAS ENRIQUE GIL FALCON MATT GELO ALOLINO GLENN KHOBUNTIN JASON ABALOS JONATHAN GREY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with