2nd win asam ng IEM, PLDT netters
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2014 - 12:00am

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

4 p.m. RTU vs IEM (Men’s)

6 p.m.  PLDT vs Cagayan (Women’s)

 

MANILA, Philippines - Papantay sa liderato ang PLDT Home Telpad Turbo Boosters sa pagbangga sa Cagayan Valley Lady Rising Suns habang magsaolo sa itaas ang nais ng Instituto Estetico Manila Volley Masters sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 11 Foreign Reinforced Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Dakong alas-6 ng gabi magsisimula ang pagtutuos ng Turbo Boosters at Lady Rising Suns at sasalo ang una sa pahingang Army Lady Troopers kung manaig sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Galing ang PLDT sa 3-0 sweep sa Meralco Power Spikers sa unang tagisan upang magkaroon ng momentum sa laro.

Talunan ang Lady Rising Suns sa Lady Troopers sa paunang  laro sa ligang may suporta pa ng Accel at Mikasa at ang patuloy na walang katiyakan kung maglalaro ang kanilang mga imports ay magtutulak para magtrabaho nang husto ang mga locals.

Sina Aiza Maizo-Pontillas, Ma. Angeli Tabaquero, Ja­nine Marciano, Pau Soriano at Shiela Pineda ang mga magsusumikap para sa Cagayan para mahigitan ang ipakikita nina Sue Roces, Gretchel Soltones, Charo Soriano, Ryzabelle Devanadera, Laurence Ann Latigay at Rubie de Leon.

Ikalawang sunod na panalo ang nakataya sa Volley Masters para masolo ang liderato sa kalalakihan kapag nanaig pa sa Rizal Technologicall University Blue Thunders sa ganap na ika-apat ng hapon.

Pinadapa ng IEM ang Systema Active Smashers sa limang sets sa unang pagkikita at napapaboran sila sa  collegiate team na papasok sa labanan galing sa limang sets pagkatalo sa FEU Tamaraws. (ATan)

ANGELI TABAQUERO ARMY LADY TROOPERS CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS CHARO SORIANO FOREIGN REINFORCED CONFERENCE GRETCHEL SOLTONES HOME TELPAD TURBO BOOSTERS INSTITUTO ESTETICO MANILA VOLLEY MASTERS LADY RISING SUNS SAN JUAN CITY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with