_ngayon
^

PSN Palaro

Korona kukunin ng Tamaraws ngayon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ito na ang pagkakataon para wakasan ng Tamaraws ang kanilang pagkauhaw sa korona.

Pipilitin ng Far Eastern University na walisin ang ka­­nilang best-of-three championship series ng National Uni­versity para makamit ang 77th UAAP men’s basketball crown sa Smart Araneta Coliseum.

Lalabanan ng Tamaraws ang Bulldogs sa Game Two ngayong alas-4 ng hapon matapos kunin ang 75-70 pa­nalo sa Game One noong Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“We’re anticipating another strong start from NU so we need to match their intensity,” sabi ni FEU head coach Nash Racela.

Huling nagkampeon ang Tamaraws sa UAAP noong 2005 at hangad nila ang ika-20 korona sa kabuuan.

Sina Mike Tolomia, Mac Belo, Roger Pogoy, Carl Bryan Cruz, Raymar Jose at Russel Escoto ang muling ba­bandera para sa FEU katapat sina import Alfred Aroga, An­gelo Alolino, Glenn Khobuntin, Nico Javelona, Jeth Troy Rosario at Reden Celda ng NU.

Humugot si Pogoy ng 10 sa kanyang 14 points sa pag-arangkada ng Tamaraws sa third period sa kanilang panalo sa Bulldogs sa Game One.

Tinalo ng FEU ang NU sa tatlong beses nilang pag­haharap ngayong season, kasama rito ang Game One ng UAAP Finals.

Hangad ng Bulldogs, hindi pa nananalo ng UAAP title sa loob ng 60 taon, na makapuwersa ng Game Three sa susunod na Miyerkules.

"Itong team na ito, hindi ito bibigay, lalaban ito,” sabi ni mentor Eric Altamirano sa kanyang NU.

Samantala, pormal na hihirangin sa ganap na alas-2 ng hapon si Ateneo superstar Kiefer Ravena bilang UAAP Most Valuable Player kagaya ni Afril Bernardino ng nagreynang NU Lady Bulldogs.

Ang 6-foot-1 na si Ravena ang bumandera sa Blue Eagles sa pag-angkin sa No. 1 ticket kasama ang ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four bago ti­nalo ng dalawang be­ses ng No. 4 Bulldogs.

AFRIL BERNARDINO ALFRED AROGA BLUE EAGLES CARL BRYAN CRUZ ERIC ALTAMIRANO FAR EASTERN UNIVERSITY GAME ONE SHY TAMARAWS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with