^

Heroes’ welcome kay Moreno Inihahanda ng komisyon

(Pilipino Star Ngayon) - August 28, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ihahanda bukas ng Phi­lippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC) ang isang heroes’ welcome para kay national archer Luis Gabriel Moreno na kumuha ng kauna-unahang gin­­tong medalya ng bansa sa katatapos lang na 2nd Youth Olympic Games (YOG) sa Nanjing, China. 

 Sinabi ni PSC chairman Richie Garcia na nararapat la­­mang na bigyan ng ma­init na pagsalubong ang 16-anyos na estudyante ng La Salle-Greenhills.

“It is just fitting for him to receive a heroes’ welcome. He finally ended the country’s long quest of an elusive Olympic gold medal,” sabi ni Garcia.

 “We now have our first ever Olympic gold medal in the country’s sports history which came under the ad­mi­­nis­­tration of P-Noy,” wika pa ng PSC chief na pinag-aaralan ang posibleng pagbibigay ng insentibo kay Moreno.

Sa Republic Act 9064 o “An Act granting incentives to Filipino Athletes,” hindi kasamang mabibigyan ng insentibo ang mga atletang nagwagi ng medalya sa YOG, Asian Indoor Games at sa ParaLympic Games. 

 Ipinaliwanag ni PSC Executive Director Atty. Guil­lermo Iroy Jr. na base sa ipinasang amendment sa RA 9064 ay dapat na tu­manggap ng P5 milyon ang si­­numang magwawagi ng gold medal sa YOG.

 “But it was not approved yet,” paglilinaw naman ni Iroy.

AN ACT ASIAN INDOOR GAMES EXECUTIVE DIRECTOR ATTY FILIPINO ATHLETES IROY JR. LA SALLE-GREENHILLS LUIS GABRIEL MORENO PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE RICHIE GARCIA SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with