AFP humirit ng rubber match sa PNP
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - July 3, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Maagang nagtrabaho ang AFP Cavaliers para pataubin ang PNP Responders, 75-64, at maitabla ang best-of-three finals sa UNTV Season 2 noong Martes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Agad na ibinaon ng Cavaliers ang Responders sa 21 puntos sa first half at hindi na pinahintulutan pa na makabangon ang katunggali sa matinding depensa at walang humpay na opensa para maihirit ang do-or-die Game Three sa Hulyo 8.

Si Alvin Zuniga ang kinilalang best pla­yer ng laro sa kanyang ibinigay na 11 puntos at 3 assists.

Bago ang laro ay nagkaroon muna ng ex­hibition game sa pagitan ng Executives at Legislatives at nanalo ang una sa 66-65 iskor.

Ginawaran din ng liga ang mahuhusay na manlalaro na nakita sa taon sa panguguna ni Olan Omiping ng PNP na siyang kinilala bilang MVP sa ikalawang sunod na taon.

Si Mr. Public Service Daniel Razon ang nagbigay ng mga plaque at kasama ni Omi­ping na Best Scorer at Base Shooting Guard din, sina Jaymann Misola (Best Blocker), Ronaldo Abaya (Best Small Forward), PJ VIllanueva (Best in Steals, Best Point Guard at Most Improved Player), San Juan Vice Mayor Francis Zamora (Best Rebounder), Eugene Tan (Best in Assists), Ronaldo Pascual (Best Center), John Hall (Best Power Forward), Jeff Sanders (Best Reinforcement Player) at Zuniga (Fans Choice).

BASE SHOOTING GUARD BEST BEST BLOCKER BEST CENTER BEST POINT GUARD BEST POWER FORWARD BEST REBOUNDER BEST REINFORCEMENT PLAYER BEST SCORER
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with