Sonsona babawian si Vazquez
ATan (Pilipino Star Ngayon) - June 6, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dalawang Filipino bo­xers ang sasalang sa mahalagang laban kontra sa mga Puerto Rican bo­xers para ilapit ang sarili sa posibleng paglaban sa lehitimong world titles sa taong ito.

Mangunguna rito ang dating kampeon sa WBO super flyweight na si Marvin Sonsona na susukatin uli si Wilfredo Vazquez Jr.  sa Sabado sa Madison Square Garden, New York.

Ang mananalo sa la­bang ito ang siyang ki­ki­lalanin bilang NABF featherweight champion at ito ay isa sa mga laban na panuporta sa main event na katatampukan nina Miguel Cotto at ang nagbabalik mula  sa injury na si  Sergio Martinez.

Bukod sa NABF belt, nais rin ng 23-anyos na si Sonsona na maibaon sa limot ang pagkatalo kay Vazquez noong 2010.

Pinaglabanan nila ang bakanteng WBO super bantamweight at nanalo si Vasquez sa pamamagitan ng fourth round knockout.

Mahigit isang taon ding namahinga si Sonsona bago bumalik at nakaapat na panalo na siya.

Si Froilan Saludar ang isa pang lalaban at haharapin niya si Olympian McWilliams Arroyo sa Hun­yo 19 sa Coliseo Ruben Rodriquez, Baya­mon, Puerto Rico.

Itataya ng 25-anyos na si Saludar ang 19 panalo at isang tabla karta laban sa 29-anyos na si Arroyo na ipaparada ang 14-1 karta kasama  ang 12 KOs.

Ang labang ito ay isang IBF flyweight eliminator kaya’t ang mananalo ay puwedeng tapikin para sa world title fight.

 

COLISEO RUBEN RODRIQUEZ DALAWANG FILIPINO MADISON SQUARE GARDEN MARVIN SONSONA MIGUEL COTTO NEW YORK PUERTO RICAN PUERTO RICO SERGIO MARTINEZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with