Ramas-Rodriguez duo gold sa PNG beach volley

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Inangkin nina Therese Rae Ramas at Floremel Rodriguez ng Southwestern University ng Cebu ang kanilang ikalawang gintong medalya ngayong taon sa women’s beach volleyball.

Tinalo nina Ramas at Rodriguez sina Cherry Ann Rondina at Rica Jane Rivera ng University of Sto. Tomas, 21-10, 21-12, sa ka­nilang gold medal match ng women’s beach volleyball tournament ng 2014 PSC National Games kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Nauna nang nagreyna sina Ramas at Rodriguez sa 2014 National PRISAA Games sa Tagum City no­ong Pebrero.

Sa men’s division, pinayukod naman nina Kris Ray Guzman at Mark Gil Alfafara ng UST sina Aga Tahiluddin at Halim Khan ng Auto­nomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), 21-23, 26-24, 25-8, para angkinin ang gintong medalya.

Bumangon sina Guzman at Alfafara sa kabiguan sa first set para resbakan sina Tahiluddin at Khan.

Bagamat natalo, kuntento na sina Tahiluddin at Khan sa silver medal sa sport na kanilang pangunahing libangan sa Mindanao.

Sa wushu, inangkin nina national team members Justin Chan (3rd set Changquan), Alieson Ken Omengan (3rd set Nanquan), Kariza Kris Chan (freestyle taijiquan),Thornton Quieney Lou Sayan (freestyle Nangun) ang mga ginto sa taolo events.

Sa Marikina Sports Com­plex, dinomina naman ng Da­­vao ang kanilang mga laro laban sa Calabarzon, Zam­boanga at National Capital Region para kunin ang gintong medalya sa goal ball event.

 

AGA TAHILUDDIN ALIESON KEN OMENGAN CHERRY ANN RONDINA FLOREMEL RODRIGUEZ HALIM KHAN JUSTIN CHAN KARIZA KRIS CHAN KRIS RAY GUZMAN MARK GIL ALFAFARA NATIONAL CAPITAL REGION
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with