^

PSN Palaro

Football for Peace sa Maguindanao sisikad sa Abr. 6

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kontribusyon ng bansa sa 1st  International Day of Sports for Development and Peace sa Abril 6.

Ang proyektong ito ay isinusulong ni Prince Albert II ng Monaco sa hangarin  niya na gamitin ang sports para magkaroon ng kapa­yapaan ang mundo.

Ang Maguindanao Province ang siyang napili ng PSC sa pangunguna ni chairman Ricardo Garcia para dito isagawa ang selebrasyon sa pamamagitan ng ‘Football for Peace’ tournament.

“We share the vision of Prince Albert II and our contribution is to hold a one-day football tournament in Maguindanao,” ani Garcia.

Makakatuwang ng PSC ang pamahalaang lokal sa Maguindanao sa pangu­nguna ni Governor Esmael “Toto” Mangudadatu.

Nakikiisa rin ang Secretary for Peace Process na si Teresita Quintos-Deles bukod sa Philippine Football Federation (PFF).

Personal na hiningi ni Prince Albert II ang suporta ng Pilipinas nang ma­kausap si Garcia noong dumalo ito sa World Peace and Sports Congress sa Monaco.

Si Prince Albert II ay isang five-time Olympian at opisyales din ng International Olympic Committee (IOC) kaya’t alam niya ang kahalagahan ng palakasan sa ikagaganda ng relasyon ng bawat bansa bukod sa buti nito sa paghubog ng maayos na mamamayan.

Bukod sa football ay may isasagawa rin na mga seminars para makatulong na mapag-isa ang mga tao sa Maguindanao. (AT)

vuukle comment

ANG MAGUINDANAO PROVINCE

DEVELOPMENT AND PEACE

GARCIA

GOVERNOR ESMAEL

INTERNATIONAL DAY OF SPORTS

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

MAGUINDANAO

PEACE PROCESS

PRINCE ALBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with