14-teams magpapaluan sa Chairman’s Cup
AT (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - May 14 koponan ang maglalaban-laban para sa PSC Commissioner’s Cup Baseball Tournament na magpapaluan sa Marso 22 sa Rizal Memorial Diamond.

Ang mga kasaling koponan ay hinati sa dalawang pangkat at ang nasa Group A ay kinabibilanganan ng PSC Chairman’s Cup champion Philab, back-to-back UAAP titlist Ateneo, UP, Philippine Navy, Rizal Technological University, Batangas State University at Dragons.

Nasa Group B naman ang Philippine Air Force, La Salle, Adamson, National University, UST, ILLAM at Throwbacks.

Para mas mabigyan ng exposures ang mga kasali  kaya’t binago ang format ng kompetisyon. Sa halip na double elimination tulad ng ginawa sa Chairman’s Cup ay single round robin ang mangyayari sa bawat grupo at ang mangungu­nang tig-dalawang koponan ang aabante sa cross-over se­mifinals.

Knockout game ang se­mifinals at ang mana­nalo ang magtutuos sa one-game Finals na itinakda sa Abril 12.

Tatlong laro ang gagawin bawat playdate at ang opening games sa Marso 22 ay Ateneo at Dragons sa ganap na alas-7 ng hapon at susundan ito ng tagisan ng UP at RTU at Philippine Navy at Philab.

Kinabukasan ay magtutuos ang Air Force at La Salle, Adamson at ILLAM at NU vs Throwbacks sa Group B.

ADAMSON AIR FORCE ATENEO BATANGAS STATE UNIVERSITY CUP BASEBALL TOURNAMENT GROUP A GROUP B LA SALLE PHILIPPINE NAVY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with