Pacquiao ibibigay kay Bradley ang hinihiling
QH (Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - May kasabihan na mag-ingat ka sa iyong kahilingan.

Ayon sa close-in aide ni Manny Pacquiao na si Aplas Fernandez, pagsisisihan ni WBO welterweight champion Timothy Bradley ang pahayag nito sa media na wala na sa Filipino ring icon ang ‘killer’s instinct’ nito.

Sinabi ni Fernandez, ang kapatid na si Buboy ang kanang kamay ni Freddie Roach sa training ni Pacquiao, na ibibigay ng ta­nging fighter sa kasaysayan na nanalo ng world titles sa walong dibisyon ang hiniling ni Bradley.

Sa kanilang US press tour na inayos ng Top Rank para kina Bradley at Pacquiao para paingayin ang kanilang April 12 bout sa Las Vegas, sinabi ng defending WBO titlist na ang boksingerong kanyang inagawan ng korona ay wala nang lakas para manalo.

Sinabi ni Fernandez na nagkamali si Bradley sa pang-aasar kay Pacquiao.

Ayon kay Fernandez, isa itong hamon kay Pacquiao para patunayan na nagkakamali si Bradley.

“Sabi ni Bradley, ayaw na ni Manny saktan ang mga kalaban niya,” wika ni Fernandez matapos samahan si Pacquiao sa isang morning jog sa General Santos City.

Idinagdag pa ni Fernandez na kung gusto ni Bradley na ipakita ni Pacquiao na hindi pa nawawala ang kanyang killer’s instinct ay makikipagsabayan ito.

Sinabi ni Fernandez na hindi problema ang stamina sa 35-anyos na si Pacquiao na palagiang naglalaro ng basketball.

Sa pagbubukas ni Pacquiao ng kanyang training camp sa General Santos City ay mas lalo pa siyang lalakas, ayon kay Fernandez.

Ang pagiging agresibo sa laban ang dapat pang tutukan ni Pacquiao.

“Alam ni Manny kung paano sasagasaan si Bradley,” ani Fernandez.

“Pressure at aggressi­veness ang kailangan. Si Bradley, nawawala ang diskarte pagka nag-pressure ang kalaban. ‘Yan ang gagawin ni Manny.”

 

APLAS FERNANDEZ AYON BRADLEY FERNANDEZ FREDDIE ROACH GENERAL SANTOS CITY LAS VEGAS PACQUIAO SINABI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with