^

‘Four-peat’ asam ng San Beda sa men’s football

(Pilipino Star Ngayon) - January 9, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bubuksan ng San Beda College ang kanilang kampanya para sa ikaapat na su­nod na NCAA seniors foot­ball crown sa pagsagu­pa sa Lyceum sa Lunes sa ASCOM pitch sa Taguig C­ity.

Magtatagpo ang Red Lions at ang Pirates sa alas-8 ng umaga.

Sa iba pang opening day games, lalabanan ng Emi­lio Aguinaldo College ang Mapua sa alas-10 ka­sunod ang banggaan ng College of Saint Benilde at ng University of Perpetual Help System Dalta sa alas-12 ng tanghali.

Nakakuha naman ng bye ang 2013 runner-up na Arellano University.

Sa kanilang 20 NCAA titles, hangad ng San Be­da na maduplika ang 21 championships ng dating miyembrong De La Salle Uni­versity.

Sina Niel Dorimon at Miguel Caindec ang ba­ban­dera sa Red Lions na tu­malo sa Chiefs sa one-game Final para angkinin ang kanilang pangatlong di­kit na NCAA crown.

Wala na sa line-up ng San Beda sina Nhiboy Pe­dimonte, ang tinanghal na Season 88 MVP, midfielder Ali Baldo at Jon Aaron Carlos dahil na­kumpleto na n­ila ang ka­nilang playing eli­gibility para sa Mendiola-based school.

AGUINALDO COLLEGE ALI BALDO ARELLANO UNIVERSITY COLLEGE OF SAINT BENILDE DE LA SALLE UNI JON AARON CARLOS MIGUEL CAINDEC RED LIONS SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with