Sinag Pilipinas nakatikim ng sermon kay Uichico
(Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2013 - 12:00am

NAY PYI TAW--Kinaila­ngan ng matinding sermon mula kay men’s basketball coach Jong Uichico upang magising ang kanyang man­lalaro at magseryoso sa kompetisyon.

Tinukoy ni Uichico na ang laro laban sa Singapore ang siyang nagpainit sa kanyang ulo dahil napahirapan ang koponan dahil  sa sobrang kumpiyansa na nag­laro ang mga inaasahan.

“It seems they took those words that we cannot take anyone in this tournament for granted and we should always play the same way no matter who the opponent, to heart,” wika ni Uichico.

Sa pamamagitan ng 88-75 iskor,  tinalo ng kopo­nan ang Singapore pero matapos ang larong ito ay hindi na binigyan pa ng pagkakataon ang limang sumunod na bansang hinarap tungo sa one-sided na tagumpay.

Ang winning margin ng pambansang koponan ay nasa 38.2 puntos at hindi naman nagtaka si Uichico sa bangis na ipinakita ng dalang koponan.

“Mahihirapan talaga ang kalaban kasi sa amin deep bench at ito talaga ang advantage namin,” pahayag pa ni Uichico.

“Puwede rin kaming mag-sub ng five-for-five. Tuloy, hindi napapagod ang mga players. They can keep on going until the other side breaks down. Hindi bu­mababa ang level ng laro at kung minsan ay tumataas pa,” tila pagmamalaki ni Uichico.

 Ito na ang ika-16th na SEA Games gold ng Pilipinas at inaasahang maiibsan ng panalo ang posibleng masamang kampanya ng bansa kung pangkalaha­tang resulta ang pag-uusapan.

JONG UICHICO KINAILA MAHIHIRAPAN PILIPINAS PUWEDE SHY TINUKOY UICHICO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with