^

PSN Palaro

PBA, kakapit sa bagong PBA Chair

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - Pilipino Star Ngayon

Kung mayroon mang isang tao sa ngayon ang ma­bigat ang babalikatin, ito ay ang bagong  chairman ng Philippine Basketball Association na si Ramon Se­gismundo ng Meralco.

Mataas ang inaasahan kay Segismundo. Sa ka­nilang taunang planning na isinagawa sa Sydney, Australia inaasahan nating babalangkasin ng Board kung paano pa  palalakasin ang kampanya ng PBA.

Noong nakaraang mga taon, ay kinakitaan muli ng sig­la ang PBA sa tulong na rin at pagpupunyagi ng iba pang miyembro ng board at ni PBA commissio­ner Chito Salud

Bukod sa pagpapataas pa ng rating sa telebisyon, kinakailangan din ng PBA na pagtuunan kung paano pataasin ang gate sales.  Alam naman natin na  noong mga nakaraang taon ay bumagsak ang sales at ma­ging ang rating ng PBA.

Pero unti-unti ay nakakabawi na ang liga. Muli ay nararamdaman nito ang taguring tagapagbigay ng pinakamataas na sports entertainment sa bansa.

Sa ilalim ni outgoing chairman Robert Non ng Ba­rangay Ginebra, maganda ang naging resulta ng gate reciepts ng PBA. Marami kasing inobasyon na sinimulan si Non at si Salud na talaga namang swak na swak sa PBA fans.

May tema na nga na ipapangalandakan ang PBA,  ito ay ang One PBA, One Philippines. Ibig sabihin lamang ay naghahangad ang PBA na pagsamahin ang lakas ng PBA, Gilas Pilipinas at SBP papunta sa  Barcelona at Seoul sa 2014

Sa pagkakakaalam natin mahusay si Segismundo sa ‘pakikitungo’ at ‘pagtimpla’ ng mga  tao. Ibig sabihin magaling siya sa human resources.  Alam niya kung paano pagsasamahin at paghahaluin ang skills ng ba­wat isa sa PBA operations.

Nangako na nga ito na sisikapin na masustina ang mga tagumpay ng PBA pagdating sa gate attendance at fans satisfaction.

Mas marami ring inobasyon ang inaasahan natin kay Segismundo, kasama na rito ang pagsasagawa ng mga laro sa Manila, Cebu at Davao sa  opening day.

Ngayon pa lamang ay excited na akong makita kung ano pa ang gagawin ni Segismundo, hindi lamang sa PBA, kundi sa basketball.

ALAM

CHITO SALUD

GILAS PILIPINAS

IBIG

ONE PHILIPPINES

PBA

SEGISMUNDO

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with