1st UNTV Cup Cagefest: 4-teams mag-uunahang lumapit sa finals
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - October 6, 2013 - 12:00am

Laro Ngayon

( Treston College Gym, Global City, Taguig)

4 p.m. PNP vs PhilHealth

5:30 p.m. AFP vs Judiciary

 

MANILA, Philippines - Agawan sa puwesto sa championship ang mangyayari sa apat na nakata­yong koponan sa paglarga ng 1st UNTV Cup semifinals ngayon sa Treston College Gym sa Global City, Taguig.

Mangunguna rito ang wala pang talong Philippine National Police na susukatin ang PhilHealth sa unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon bago sundan ng pagkikita ng Judiciary at Armed Forces of the Philippines sa alas-5:30.

Ang PNP (6-0) at Judi­ciary (4-2) ay agad na umabante sa Final Four matapos kunin ang unang dalawang puwesto sa elimination round habang ang PhilHealth at AFP ay kinailangang dumaan sa quarterfinals para makapasok sa yugtong ito.

Patok ang PNP sa PhilHealth pero ayaw magkumpiyansa ni coach Raffy Gonzales.

“May 6-0 record kami pero wala pa kaming napapatunayan at ibang laban itong semifinals. We just have to continue and improve what we are doing and stay together,” wika ni Gonzales na tiyak na iaasa ang laban sa dating UAAP hotshot na si Olan Omiping.

Nanalo din ang Judiciary sa AFP sa elimination round pero tiyak na magiging balikatan ito lalo pa’t determinado ang huli na manatiling buhay ang paghahabol sa titulo sa ligang inorganisa ng Breakthrough and Milestones Production International sa pangunguna ni Chairman at CEO Daniel Razon.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES BREAKTHROUGH AND MILESTONES PRODUCTION INTERNATIONAL DANIEL RAZON FINAL FOUR GLOBAL CITY LARO NGAYON OLAN OMIPING PHILIPPINE NATIONAL POLICE TRESTON COLLEGE GYM
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with