Semis ikakamada ng AFP, PhilHealth sa UNTV Cup
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2013 - 12:00am

Laro Ngayon

(Treston College Gym,

The Fort, Taguig)

4p.m. AFP vs Congress/LGU

5:30 p.m. PhilHealth vs MMDA

 

MANILA, Philippines - Pagtutuunan ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at PhilHealth ang puwesto sa semifinals sa paglarga ng 1st UNTV Cup quarterfinals ngayon sa Treston College Gym sa The Fort, Taguig City.

Unang sasalang ang AFP laban sa Congress/LGU sa ganap na ika-4 ng hapon bago sundan ng pagkikita ng PhilHealth at MMDA dakong alas-5:30.

Tumapos sa ikatlo at apat na puwesto, ang AFP (4-2) at PhilHealth (3-3) ay may bitbit na twice-to-beat advantage sa mga katunggali para mangailanga lamang ng panalo sa larong ito upang umabante na.

Ang Philippine National Police na hindi natalo sa elimination round (6-0) at Judiciary (4-2) ang nalagay sa unang dalawang puwesto para dumiretso na sa semifinals. Magtataglay din sila ng twice-to-beat advantage sa mga lulusot sa quarterfinals.

Naliliyamado ang AFP at PhilHealth matapos talunin ang Congress/LGU at MMDA sa mga iskor na 110-83 at 77-71, ayon sa pagkakasunod.

 

ANG PHILIPPINE NATIONAL POLICE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES LARO NGAYON MAGTATAGLAY NALILIYAMADO PAGTUTUUNAN TAGUIG TAGUIG CITY TRESTON COLLEGE GYM TUMAPOS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with