Matt Bonner nasorpresa sa paglalaro ni Engelland sa Pinas
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - September 7, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ikinagulat ni San Antonio Spurs’ Matt Bonner na ang kanilang assistant coach na si Chip Engelland ay naglaro sa Pilpinas bilang isang professional at naturalized player noong 1980s.

“It’s awesome. I can’t wait to get back and ask him about this,” wika ni Bonner matapos magsagawa ng isang clinic na inorganisa ng NBA Cares at Sun Life Financial kahapon sa Ronac Art Center sa San Juan.

Isa sa pinakamatinding shooters sa NBA at may career clips na 46.8 percent sa field goal at 41.7 percent sa three-point area, sinabi ni Bonner na malaki ang naitutulong ni Engelland sa kanya.

Nang tanungin kung ano ang sikreto niya, sinabi ni Bonner na sipag at tiyaga lamang ang kanyang puhunan.

BONNER CHIP ENGELLAND ENGELLAND IKINAGULAT ISA MATT BONNER NANG RONAC ART CENTER SAN ANTONIO SPURS SAN JUAN SUN LIFE FINANCIAL
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with