^

PSN Palaro

Iloilo uuwi ring luhaan sa World Series

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sakit ng ulo para sa Iloilo Province si Tori  Bevins nang hindi ito napigil sa opensa at matibay sa pit­ching  tungo sa 12-3 panalo ng host Kirkland National/American Little League sa semifinals ng Junior Lea­gue Softball World Series noong Biyernes sa Kirkland, Washington.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Kirkland sa Iloilo matapos ang 10-0 shutout sa tagisan sa Pool A. Dahil sa pagkatalo, ang koponang kumatawan sa Asia Pacific ay napatalsik na sa torneo habang umabante sa Finals ang host team.

May 16 hits ang host sa dalawang Ilongga pitchers na ginamit sa laro at si Bevins ay may apat na hits at nakasingle sa first, third, sixth at seventh innings.

Ang kanyang RBI single sa sixth inning ay nakatulong para sa limang runs ng Kirkland at kunin ang 11-3 kalamangan.

Tatlong hits lamang ang itinama ng Iloilo sa pitong inning na labanan at si Bevins ay nagbigay lamang ng isang hit at apat na strikeouts nang ipasok sa ikaapat na innings bilang kapalit ni Liza Nelson na may dalawang runs sa two hits at isang walk bukod sa tatlong strike outs sa tatlong innings.

 

AMERICAN LITTLE LEAGUE

ASIA PACIFIC

BEVINS

ILOILO

ILOILO PROVINCE

JUNIOR LEA

KIRKLAND

KIRKLAND NATIONAL

LIZA NELSON

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with