Phl Wushu Juniors masusubukan na

(Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bubuksan ng Pilipinas ang paghahabol sa gintong medalya sa pagsisimula ngayon ng 7th Asian Junior Wushu Championship sa Makati Coliseum.

Libre sa publiko ang pa­nonood sa aksyon sa taolu (form) na magsisi­mula sa ganap na alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Ang World Junior Wu­shu Championship gold at silver medalist na si Alieson Ken Omengan ang ma­ngu­­nguna sa mga panlaban ng bansa na lahok ng Wushu Federation of the Philippines (WFP).

Ang iba pang sasalang sa aksyon ay sina World Championship silver me­dalist Faith Liana Andaya at sila ay magtatambal sa anim na iba pang kasamahan para magtagumpay sa kauna-unahang group competition sa taolu.

Sina Kimberly Macuha, Johnzenth Gajo, Christian Nicholas Lapitan, Vanessa Jo Chan, Joel Casem at Dave Degala ang iba pang aasahan ng bansa.

Dalawang oras ang break matapos ang pang-umagang laro at sa ganap na alas-2:30 ng hapon hanggang ikaanim ng gabi ay gagawin ang labanan sa sanshou (sparring).

Sina Vivine Wally (48kg) at Vita Zamora (52kg) ang mapapalaban sa kababaihan habang sina Thommy Aligaga (52kg), Clemente Tabugara Jr. (56kg) at James Daquil (60kg) ang sa kalalakihan.

Magbabalik ang tagisan sa taolu sa alas-7:30 ng gabi hanggang alas-10:30 ng gabi.

Ang apat na araw na torneo ay may basbas ng POC at PSC bukod pa ng Department of Tourism, PCSO, Standard Insu­ran­ce, Canon cameras, MVP Sports Foundation, Arrow shirts, Summit Water at Burlington socks at ito ay mapapakinggan ng live sa DZSR Sports Radio at may delayed broadcast sa Solar Sports. Ang The Philippine Star, Business Mirror, Malaya Business Insight, Online, Pilipino Mirror at Manila Bulletin ang mga media partners at ang Focus Media ang LCD advertising partment at Xitrix Computer Corp. ang technical partner.

ALIESON KEN OMENGAN ANG THE PHILIPPINE STAR ANG WORLD JUNIOR WU ASIAN JUNIOR WUSHU CHAMPIONSHIP BUSINESS MIRROR CHRISTIAN NICHOLAS LAPITAN CLEMENTE TABUGARA JR. DAVE DEGALA SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with