Asian Southeastern Zone Women’s Volleyball Qualifier: POC-PSC sports V-Belles tumiklop sa Vietnam
ATan (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tulad ng dapat na asahan, yumuko ang Team Philippines sa mas betera­nang Vietnam, 9-25, 11-25, 18-25, sa pagbubukas ng Asian Southeastern Zone Women’s Volleyball qualifier sa Quang Tri, Vietnam noong Biyernes ng gabi.

Si Alyssa Valdez ay may­roong siyam na hits pero ang mga malalaking manlalaro na sina Jaja at Dindin Santiago ay nag­sanib lamang sa 11 pun­tos para sa koponang nag­handa sa torneo ng isang linggo lamang.

Ito ang unang pagkaka­taon na nakasali ang Pilipinas sa women’s volleyball mula 2005 at tunay na na­ngapa ang koponang ha­wak ni coach Roger Gorayeb.

Tatangkain ng Natio­nals na makapagtala ng unang panalo sa pagharap sa Myanmar sa ikalawang laro.

Natalo rin ang Myanmar sa unang asignatura laban sa Indonesia sa straight sets (0-3).

“We have a very good chance against Myanmar owing to our height advantage and skills,” wika ni team manager Tony Boy Liao.

“They trained early Saturday and the team’s outlook is very good des­pite the loss to Vietnam,” dagdag nito.

Ipinadala ang koponan ng Philippine Olympic Committee at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Smart Communications at Accel.

Huling laro ng Natio­nals sa Linggo laban sa Indonesia.

Ang mangungunang koponan sa apat na bansang torneo ay aabante sa Asian Zonals sa susunod na taon.

ASIAN SOUTHEASTERN ZONE WOMEN ASIAN ZONALS DINDIN SANTIAGO MYANMAR NATIO PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE PHILIPPINE SPORTS COMMISSION QUANG TRI SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with