Kings magpipilit umahon: Aces kukunin na ang korona
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2013 - 12:00am

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

7:30 p.m. Alaska vs Ginebra (Game 3)

 

MANILA, Philippines - Walang ibang nasa isip ang mga Aces kundi ang tuluyan nang walisin ang mga Gin Kings at angkinin ang kanilang pang 14 PBA crown.

Bitbit ang malaking 2-0 bentahe, sasagupain ng Alaska ang Barangay Ginebra sa Game Three ngayong alas-7:30 ng gabi sa kanilang best-of-five championship series para sa 2013 PBA Commis­sio­ner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Inangkin ng Aces ang Game One, 87-70, at ang Game Two, 104-90, at tang­kang kumpletuhin ang ka­nilang pagwalis sa Gin Kings sa serye.

“Sunday will be a test for them as a team,” sabi ni Alaska head coach Luigi Trillo. “Check lang namin emotions namin. Naka-focus kami sa prize namin.”

Tanging ang Crispa at Purefoods, parehong hinawakan ni legendary coach Baby Dalupan, ang nakabalik mula sa isang 0-2 pagkakaiwan sa isang best-of-five series matapos resbakan ang Toyota at Alaska noong 1976 at 1990 Third Conference, ayon sa pagkakasunod.

Bagamat tangan ang 2-0 bentahe sa kanilang serye, hindi pa rin kinakalimutan ni Trillo ang mga ka­yang gawin nina pointguard LA Tenorio, import Vernon Macklin, Jayjay Helterbrand at veteran Kerby Raymundo para sa Gin Kings.

“There’s a lot of respect we give to Tenorio, Macklin, Jayjay and Kerby. Kaya sila (Ginebra) nandito ay dahil sa kanila,” wika ni Trillo, hangad ang kanyang unang PBA title bilang isang head coach.

“There’s still a lot of res­pect  there. They beat Rain or Shine, they finished Talk ‘N Text,” dagdag pa nito.

Samantala, nakatakdang ihayag ngayon ang mananalo bilang Best Pla­yer of the Conference at Best Import (Bobby Parks Trophy) bago pakawalan ang Game Three.

BABY DALUPAN BARANGAY GINEBRA BEST IMPORT BEST PLA BOBBY PARKS TROPHY GAME ONE GAME THREE GIN KINGS SMART ARANETA COLISEUM
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with