^

National Memory Championships ikinasa sa May 25

(Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Magkakaroon ng pag­kakataon ang mga ma­huhusay na atleta sa mind sports sa paglarga ng National Memory Championships sa Mayo 25 sa Alphaland Southgate Mall, Pasong Tamo Extension sa kanto ng EDSA Magallanes, Makati City.

Inorganisa ng Philippine Mind Sports Association (PMSA) sa pangunguna ni Roberto Racasa, ang kinikilalang “Father of Philippine Memory Sports”, ang tagisan ay hinati sa tatlong dibisyon at paglalabanan dito ang sampung events.

Ang mga kategorya ay sa Kids (12-pababa), Junior (13-17) at Adult (18-pataas) habang ang mga events ay Names and Faces (5 minutes); Binary Numbers (5 minutes); Random Numbers (15 minutes); Abstract Images (15 mi­nutes); Speed Numbers (5 minutes); Historic/Future Dates (5 minutes); Spoken Numbers (100 seconds  & 300 seconds) at Speed Cards.

Hanap ng torneo na makakita ng mga may potensyal para lumawig ang bilang ng mga Filipino na puwedeng pagpilian upang maipadala sa malalaking Mind Games events sa labas ng bansa.

Ang Pilipinas ay isa sa tinitingala sa sport na ito at noong 2012 World Memory Championship sa London, ang Pilipinas ay tumapos sa ikatlong puwesto sa likod ng Germany at Sweden.

Ang mga magnanais na sumali o kumuha ng karagdagang impormasyon ay maaaring tumawak sa landline na 389-1911 o cell numbers 0919-2152222 o 0916-7321057.

 

ABSTRACT IMAGES ALPHALAND SOUTHGATE MALL ANG PILIPINAS BINARY NUMBERS FATHER OF PHILIPPINE MEMORY SPORTS FUTURE DATES MAKATI CITY MIND GAMES NAMES AND FACES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with