^

PSN Palaro

Bulldogs asam ang panalo sa UP

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ikapitong sunod na panalo ang nais lapain ng National University sa UP sa pagpapatuloy ng Filoil Flying V Hanes Premier Cup ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Papasok ang Bulldogs mula sa 86-71 panalo sa Arellano University sa hu­ling laban at paboritong makuha ang target sa Maroons sa larong mapapanood dakong alas-4:15 ng hapon dahil talunan ang State University sa unang apat na asignatura.

Ang La Salle ay magbabalak ding palawigin ang malinis na karta sa Group B sa limang sunod na panalo sa pagsukat sa husay ng Emilio Aguinaldo College dakong alas-2:30 ng hapon habang ang unang laro ay sa pagitan ng Letran at Lyceum sa ganap na alas-12:45 ng hapon.

Pasok na sa quarterfinals ang tropa ni coach Eric Altamirano sa Group A pero nais pa rin niyang makita ang intensidad sa kanyang mga alipores.

Patatatagin naman ng Archers ang paghahabol sa puwesto sa quarterfinals kung tatalunin ang Ge­nerals.

Papasok ang Archers mula sa 70-64 panalo sa Lyceum, isang labanang muntik na nauwi sa bench clearing.

 

ANG LA SALLE

ARELLANO UNIVERSITY

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

ERIC ALTAMIRANO

FILOIL FLYING V HANES PREMIER CUP

GROUP A

GROUP B

NATIONAL UNIVERSITY

PAPASOK

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with