ILLAM laban sa Iloilo para sa titulo ng Little League
(Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2013 - 12:00am

TANAUAN CITY, Philippines - Mula sa kanilang mga panalo sa semifinas, itinakda ng defending champion ILLAM at eliminations topnotcher Iloilo ang kanilang title showdown para sa Little League Softball ng Little League Philippines Series 2013.

Inilampaso ng ILLAM ang Cavite, 14-4, sa five innings, habang nilusutan naman ng Iloilo ang Zambales, 9-8.

Magtatagpo ang ILLAM at ang Iloilo ngayong alas-8 ng umaga para madetermina kung sino ang aangkin sa korona.

Tinalo na ng ILLAM ang Iloilo para sa titulo ng 11-12 girls softball noong nakaraang taon.

Nagpakawala ang ILLAM ang apat na runs sa ilalim ng first inning at mula dito ay hindi na pinaporma pa ang Cavite.

Nang umabot sa third frame, tangan na ng ILLAM ang 9-2 kalamangan mula sa isang two-run double  ni Therese Macasaet.

Naghabol naman ang Iloilo mula sa kanilang 3-8 pagkakaiwan sa Zambales.

Umiskor ang mga Ilonggas ng dalawang runs sa third at fourth inning para makalapit sa 7-8 kasunod ang pag-iskor ng dalawang runners.

 

CAVITE ILLAM ILOILO ILONGGAS INILAMPASO LITTLE LEAGUE PHILIPPINES SERIES LITTLE LEAGUE SOFTBALL MAGTATAGPO THERESE MACASAET ZAMBALES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with