^

Perpetual Altas asam ang korona; Lady Stags puntirya ang titulo

ATan (Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ilagay muli ang sarili bi­lang kampeon sa kalala­kihan ang hangad ng Perpe­tual Help sa pagharap sa Emil­io Aguinaldo College sa Game Two ng NCAA vol­leyball championship nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

Galing ang Altas sa 25-22, 25-17, 25-16 panalo sa G­e­nerals sa unang pag­tu­tuos noong Sabado at ka­ila­ngan na la­mang na mai­panalo ang larong magsi­simula sa ganap na alas-4 ng hapon para mapanatiling ha­wak ang kampeonato sa ikat­long sunod na taon.

May 32-game winning streak ang koponan mula pa noong 2010-11.

Ang Lady Atlas naman ay nangangailangan ng pa­nalo upang manatiling buhay ang paghahabol na ma­pa­natili ang titulo sa wo­men’s division sa pagharap sa San Sebastian sa ikalawang laro sa alas-6 ng gabi.

Muling nagwala ang roo­kie na si Gretchel Soltones  nang magtala ng 16 puntos, ha­bang anim na service aces para sa kanyang 12 hits ang ginawa ni Ara Malla­re para kunin ng multi-titled La­dy Stags ang 26-24, 26-24, 22-25, 27-25 panalo laban sa Lady Altas sa Game One.

Dinomina ng Lady Altas ang spike (41-40) at block (9-6) at nakatabla sa service aces sa  tig-10, ngunit nag­tala ng 45 er­rors.

AGUINALDO COLLEGE ANG LADY ATLAS ARA MALLA GAME ONE GAME TWO GRETCHEL SOLTONES LADY ALTAS SAN JUAN CITY SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with