Bustamante kampeon sa Derby City Classic
AT (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Naibigay  ng beteranong si Francisco “Django” Bustamante ang unang panalo ng bansa sa larangan ng pool nang talunin si Justin Hall ng USA, 5-3, sa finals ng 15th Annual Derby City Classic 9-ball Banks kamakailan sa Horseshow Casino and Hotel sa Elizabeth, Indiana, USA.

Kondisyon ang 49-anyos na si Bustamante sa finals nang kunin agad nito ang 2-0 kalamangan sa paunahan na makaabot sa limang pa­nalo.

Nanalo si Hill sa ikatlong laro pero nabawi ni Bustamante ang kanyang mabangis na porma upang manalo sa tagisan.

Narating ni Bustamante ang finals nang manaig kay Shannon Murphy, 3-1, sa race-to-three.

Nag-re-buy si Murphy para makasali uli at sa isinagawang round 13 draw, si Bustamante ang nag-bye at si Hall at Murphy ang naglaban.

Wagi si Hall upang uma­bante sa finals at itulak sa ikatlong puwesto si Murphy

Pinuri ni billiards godfather Aristeo Puyat ang ipinakita ni Bustamante na siyang unang Pinoy na nanalo sa torneo sa labas  ng bansa sa 2013.

Lalaban pa si Django sa ibang events sa Derby City Classic at posible pang madagdagan ang naibigay na karangalan.

ANNUAL DERBY CITY CLASSIC ARISTEO PUYAT BUSTAMANTE DERBY CITY CLASSIC DJANGO HORSESHOW CASINO AND HOTEL JUSTIN HALL KONDISYON SHANNON MURPHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with