_ngayon
^

PSN Palaro

‘Mom of Steel’ suportado ng PCSO sa WBFF sa Oklahoma

RMP - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakakuha ng tulong mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) si bodybuilder Luzviminda McClinton.

Si McClinton ay lalahok sa World Body Figure and Fitness (WBFF) Body Building Championship sa Oklahoma, USA sa Nobyembre 10.

Ang PCSO na pinamumunuan ni Mar­gie Juico ang sasagot sa plane ticket ni McClinton kasama ng kanyang anak.

Hanap ni McClinton, kilala rin sa ta­gu­ring “Mama Luz” noong napasama sa Pinoy Big Brother, na magbigay uli ng karangalan sa Pilipinas sa larangan.

Nakilala si McClinton nang hinirang bilang kauna-unahang female body builder ng bansa na nanalo sa Pro Fame World Championship sa US noong 2010.

Mula rito ay patuloy na ang panalong nakukuha nito kabilang na ang overall title sa Phil-Asian Pacific International Body Building Championships na ginawa sa Mariners Court sa Pier One sa Cebu City noong Setyembre 22.

Ang mga tinalo ni McClinton sa Cebu ay sina Katsuaki Suzuki ng Japan, Shania Sidoarjo ng Indonesia at ang kambal na sina Susan at Imee Sukma ng Malaysia.

 

BODY BUILDING CHAMPIONSHIP CEBU CITY IMEE SUKMA KATSUAKI SUZUKI MAMA LUZ MARINERS COURT PHIL-ASIAN PACIFIC INTERNATIONAL BODY BUILDING CHAMPIONSHIPS PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE PIER ONE PINOY BIG BROTHER
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with