^

PSN Palaro

Aces, Boosters hahagip ng panalo

Ni RC - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

5:15 p.m. Alaska vs Air21

7:30 p.m. Petron Blaze

vs Globalport

MANILA, Philippines - Simula sa araw na ito ay wala nang bubulong sa tenga ni head coach Olsen Racela sa bench ng Petron Blaze.

Binawalan na ng San Mi­guel Corporation ma­nagement si Serbian coach Rajko Toroman, humawak sa Smart Gilas Pilipinas 1.0 at kinuhang team consultant ng Boosters, na makialam sa diskarte ni Racela.

“As a coach, I don’t real­ly have control over what ma­na­gement will do or say,” sabi ni Racela. “They’ve been there for a long time, so whatever they do, I’m sure they will do what’s for the best interest of the team.”

Inialok ng SMC kay Toroman, iginiya ang Iran sa gold medal sa 2007 FIBA-Asia Men’s Championships patungo sa paglalaro sa 2008 Olympic Games sa Beijing, China, ang team consultancy sa San Miguel Beermen sa Asean Basketball League (ABL). 

Nakatakdang labanan ng Petron ang Globalport ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang laro ng Alaska at Air21 sa alas-5:15 ng hapon sa elimination round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nanggaling ang Petron sa malaking 98-95 panalo laban sa Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings noong Oktubre 21.

Nagmula naman ang Batang Pier sa 83-94 pagka­talo sa Rain or Shine Elasto Painters noong Oktubre 20.

Tangan ng nagdedepensang Talk ‘N Text ang liderato mula sa kanilang 5-0 record kasunod ang Rain or Shine (4-1), Meralco (3-2), San Mig Coffee (2-2), Alaska (2-2), Barako Bull (2-3), Barangay Ginebra San Miguel (2-3), Petron (2-3), Globalport (1-4) at Air21 (1-4).

Sa unang laro, pa­kay naman ng Aces ang kanilang ikatlong sunod na panalo laban sa Express.

Sa 88-86 paggupo ng Alaska laban sa Petron noong Oktubre 19, kumo­lekta si No. 2 overall pick Calvin Abueva ng 12 points at 16 rebounds para sa kanyang debut game.

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

ASIA MEN

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL

GLOBALPORT

OKTUBRE

PETRON

PETRON BLAZE

SHY

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with