^

PSN Palaro

4 pang teams mag-uunahan sa panalo sa PBA D-League

Ni ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat pang koponan ang maghahabol sa unang panalo sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Unang sasalang ang Big Chill laban sa collegiate team na Jose Rizal University sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng pagtutuos ng baguhang Frui­tas at Café France dakong alas-4.

Ang mananalo ay ma­kakasalo ng Cagayan Ri­sing Suns at Cebuana Lhuillier na kumuha ng ka­nilang unang panalo sa pagbubukas ng liga noong Martes.

Tinalo ng Rising Suns ang Informatics Icon, 89-85, habang umukit ang Gems ng 86-76 panalo sa Boracay Rum.

Nawalan man ng mahahalagang manlalaro, nakuha naman ni coach Robert Sison sina Terrence Romeo, Ryan Buenafe at Arvie Bringas para pagti­bayin ang laban ng kopo­nan na pumangalawa sa NLEX noong nakaraang conference.

Unang pagkakataon na sumali ang Heavy Bom­bers sa liga at sasandalan ni coach  Vergel Meneses at bukod sa pagbitbit sa mga matitikas na kamador na sina John Byron Villarias, John Lopez, Alex Almario at Michael Mabulac, kinuha rin niya ang serbiso ng ibang NCAA players na sina Kenneth Ighalo, Michael Miranda, John Pinto at ex-UST gunner Khazim Mirza.

vuukle comment

ALEX ALMARIO

ARVIE BRINGAS

BIG CHILL

BORACAY RUM

CAGAYAN RI

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS CUP

HEAVY BOM

INFORMATICS ICON

JOHN BYRON VILLARIAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with