^

PSN Opinyon

‘Kapag mabagal ang usad ng hustisya sa PRC, buhay ang nakataya’

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Ang pinakamabigat na hinaharap ng Professional Regulation Commission (PRC) sa usapin ng medical malpractice ngayon ay kung gaano katagal dapat maghintay ang isang pasyente at pamilya bago magkaroon ng pananagutan?

Paano kung ang resulta ng pagkakamali ay buhay?

Sa pagdinig sa Senado, kinuwestiyon ni Sen. Raffy Tulfo ang mabagal na pag-usad ng isang kasong may kaugnayan umano sa pagkamatay ng pasyente noong 2017. Ayon sa pahayag na iniulat, naisampa lamang sa Board of Medicine noong 2021 at nananatili pa rin sa antas ng board. Ibig sabihin, halos siyam na taon ang lumipas nang hindi pa nakarating sa malinaw na resolusyon ang usapin.

Marami pang mga malagim na pangyayari sa buong bansa kahalintulad ng pagkamatay ng pasyente ng isang doktor noong 2017 na isasangguni ni Sen. Raffy sa harap ng PRC at publiko.

Sapagkat napakalaking bagay lalo na sa biktima at ng naiwang pamilya ang  pagkaantala ng hustisya.

Sa medisina, bawat araw ay maaaring mahalaga.  Kung may seryosong alegasyon ng malpractice, hindi lamang reputasyon ng isang propesyonal ang nakataya. Nakapaloob dito ang tiwala ng publiko at, higit sa lahat, kaligtasan ng mga susunod pang pasyente.

Hindi nangangahulugang dapat agad hatulan ang isang doktor sa sandaling may reklamo.  May due process, at dapat itong igalang. Ngunit ang due process ay hindi dapat maging dahilan para maging “dead process” na tila pro­sesong umiiral sa papel ngunit walang nararating.

Dapat suriin ang sistema: Bakit umabot ng ilang taon bago umusad ang kaso? May kakulangan ba sa imbestigasyon? Kulang ba sa tauhan? Mabagal ba ang koordinasyon? O may butas mismo sa mekanismo ng pagresolba ng mga reklamo?

Mahalaga ang ipinangakong fact-finding investigation ni DOLE Secretary Francis Tolentino. Ngunit higit pa sa imbestigasyon ang kailangan, kundi malinaw na pananagutan, takdang panahon sa pag-aksyon, at sistemang hindi naghihintay ng panibagong biktima bago kumilos.

Sa medical malpractice, ang “nasa proseso pa” ay hindi dapat maging permanenteng sagot. Kung ang hustisya ay mabagal, hindi lamang oras ang nawawala, kundi buhay.

—

 

Para sa komento: [email protected]

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with