^

PSN Opinyon

Tinatamad ba? Walang gana? Nalulungkot? Heto ang solusyon

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Morning Routine:

Mag-stretch at Ehersisyo

Maraming benepisyo ang ehersisyo. Nakapagbibigay ito ng sigla, saya at nagpapaganda ng daloy ng dugo sa katawan.

Ituturo ko ngayon ang simple at ligtas na paraan para mag-ehersisyo.

1. Shoulder raise - Itaas ang kamay. Parang inaabot mo ang kisame. Kailangan ay ma-stretch mo ang buong braso at balikat paitaas. Gawin ito ng 5-10 beses lamang.

2. Shoulder shrugs – Galawin paikot-ikot ang iyong buong balikat. Ikot-ikotin ito para lumuwag ang masel sa balikat sa leeg din.

3. Neck stretch - I-stretch ang leeg. Dahan-dahang tumingin sa kanan. I-stretch ang leeg ng 3-5 beses lamang. Pagkatapos ay tumingin naman sa kaliwa.

4. Hip rotation - Ikutin ang baywang pakanan at pakaliwa. Gawin ito ng mga 3 beses sa umpisa.

5. Walk in place - Ihakbang ang mga paa ng nakapuwesto sa isang lugar lamang. Parang sundalo ka na nag-ma-marcha. Itaas ang paa ng mga 1 feet habang hinahakbang ito. Gawin ito ng mga 30 segundo.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with