^

PSN Opinyon

Merong nakaw na yaman sina Marcos – pasya ng SC

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nakaka-halusinasyon ang droga. Totoo kaya ang sinasabi ni Imee Marcos na nagdo-droga si “adeng” Bongbong Marcos? Tila kasi nagha-halusinasyon si BBM sa publiko kamakailan.

Tinanong si BBM ng isang foreign correspondent kung nabayaran na ang estate taxes ng pamilya Marcos. Paikot-ikot ang tugon ni BBM. Kesyo raw nanalo sila sa civil cases dahil hindi nakaw ang yaman nila. Kesyo raw hindi niya nahaharap ang mga tungkulin bilang Marcos estate administrator. Kesyo raw ipinauubaya na lang niya ito sa mga abogado.

PNA File Photo

Pero ito ang mga lalabas kung halungkatin ang records:

• Nu’ng 1997 pinasya ng Supreme Court na may utang na P23 bilyong estate tax ang pamilya Marcos. Naging final at executory ang pasya nu’ng 1999. Nu’ng 2022 election campaign lumobo na ito sa P204 bilyon dahil sa surcharges at interes, ani retired SC senior justice Antonio Carpio.

• Nu’ng 2003 ipinasoli ng SC sa gobyerno ang $658 milyon na dineposito ni Ferdinand Marcos Sr. at Imelda Romualdez Marcos sa Switzerland. Kwinenta ng SC na kumite lang sina FM at Imelda ng $304,372 nu’ng 1965-1985. Anomang labis doon ay nakaw na yaman sa mata ng batas.

• Nu’ng 2012 ipinakumpiska ng SC ang ilang milyong dolyar pa mula sa Arelma S.A. Kumpanya ito ni FM at Imelda na pinagtaguan ng nakaw na yaman nu’ng Presidente at First Lady sila.

• Kinatigan ng SC ang ilang pasya ng mabababang korte na nagpawalang-sala kina Marcos. Mahina kasi ang ebidensya laban sa kanila. Ipinasoli sa Marcos estate ang kabuuang P1.05 bilyong deposito at ari-arian.

***

 

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with