^

PSN Opinyon

Sustainable Agriculture...Pintong bukawe organic association

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang isa pang asosasyon na nagsusulong ng organic farming sa bansa at kapit-bisig sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas sa kanilang lugar sa San Mateo Rizal.

Ang aking tinutukoy ay ang Asosasyon ng Pintong Bukawe Organic Practitioner, sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Jesusa Legaspi ng Barangay Pintong Bukawe, San Mateo Rizal.

Ayon kay Jesusa, itinatag nila ang kanilang samahan para sa iisang layunin na makatulong na mag-provide ng masarap at masustansiyang pagkain, tulad ng turmeric tea, turmeric powder, chips, suman at iba pa.

Nais din ng grupo ni Jesusa na makatulong na isinusulong na food security ng gobyerno.

Aniya, dati ay hiwa-hiwalay silang nagtatanim pero mabagal ang kanilang progreso pero noong sila ay nagsama-sama ay naging mabilis ang kanilang mga gawain, nakakapagtanim ng marami at higit na nakilala ang kanilang mga produkto.

Limang ektaryang ang pinagtutulong-tulungan na bungkalin at taniman ng grupo ni Jesusa.

Mabilis na rin ang pagbebenta ng kanilang mga produkto at nagkaroon ng ma-
raming development na farm to farmer road sa kanilang lugar mula nang itatag nila ang kanilang asosasyon.

“Dati ay hirap ka-ming ibiyahe at ibaba ng bundok ang aming mga produkto, pero ngayon ay kusa pa kaming pinupuntahan ng mga trader para bilhin ang aming mga produce,” ani Jesusa.

Ilan sa maramihang tanim ng grupo ni Jesusa ay luyang dilaw, saging na saba, kamoteng kahoy, mga gulay at prutas.

“Wala nang nagsisilbing middle man sa aming mga ani. Ang mga bunga ng saging na saba ay hindi pa man hinog ay inaani na namin para gawing banana chips, ang mga luyang dilaw ay ginagawa namin turmeric tea at turmeric powder habang ang kamoteng kahoy ay ginagawa namang suman,” pahayag pa ni Jesusa.

Kung dati ay halos sapat lang ang kanilang kinikita para makabili ng bigas at iba pang pangangaila-
ngan, ngayon ay nakakapagpaaral na sila ng kanilang mga anak at nakakapag-savings pa.

Malugod na nagpapasalamat si Jesusa sa mga taong tumutulong sa kanila sa pangu-
nguna ng Local Government ng San Mateo, partikular si Municipal Agriculturist Officer Incharge na si Alexis Santos na personal at palagiang bumibisita sa kanila para alamin ang kanilang pangangailangan at i-tie-up ang mga aanihin sa tanim sa mga negosyante.

Hindi lamang sa bayan ng San Mateo ibinebenta ang mga produce ng asosasyon, bagkus ay sa buong Rizal at Metro Manila.

Hinihikayat ni Jesusa ang lahat na magtanim ng sariling pagkain.

Sa mga gustong bumili ng iba’t ibang produkto na gawa ng grupo ni Jesusa ay magpadala lamang po kayo ng mensahe sa kanilang FB page na Asosasyon ng Pintong Bukawe Organic Practitioner o magsadya sa kanilang barangay sa Pintong Bukawe, San Mateo Rizal.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Tumanggap na ng iba’t ibang parangal at pagkilala mula sa gobyerno at NGO at ang latest ay noong June 7, 2026 na ginawaran bilang Lifetime Achievement Award Innovation and Advocacy in Sustainable Agriculture and Urban Gardening ng Dangal ng Lahing Pilipino ang Magsasakang Reporter na ginanap sa Lime Resort and Hotel sa Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag pong tawag ah, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

FARM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with