^

PSN Opinyon

Pagkakaroon ng School Safety Plan sa bawat paaralan isinusulong

WIN SA EDUKASYON - Sen. Win Gatchhalian - Pilipino Star Ngayon

Sa gitna ng mga dumarami at lumalalang mga insidente ng karahasan sa mga paaralan, lalong tumitindi ang panga­ngailangan nating magpatupad ng mga konkretong hakbang upang paigtingin ang seguridad ng ating mga mag-aaral, mga guro, at mga kawani.

Sariwa pa sa ating mga alaala ang mga trahedyang naga­nap sa mga paaralang dapat sanang nagsisilbing ligtas na espasyo para sa ating mga mag-aaral. Kabilang dito ang mga naganap na pamamaril sa mga Lungsod ng Zamboanga at Tacloban. Hindi natin maaaring hayaang maging normal na sa loob ng ating mga paaralan ang mga trahedyang nagwa­wakas sa mga buhay at pangarap ng ating mga mag-aaral, pati na ng kanilang mga pamilya.

Kaya naman isinusulong natin ang Comprehensive School Safety Act (Senate Bill No. 2426) na layong magtatatag sa National Comprehensive School Safety Framework. Sa ilalim ng panukalang batas, isinusulong natin ang pagkakaroon ng National Comprehensive School Safety Framework.

Magtatakda ang naturang framework ng mga pamantayan para sa pag-iwas, pagtugon, at pagbangon mula sa mga banta at insidenteng may kaugnayan sa school safety. Pangungunahan ng Department of Education (DepEd), sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, ang pag­buo, pagpapanatili, at pana-panahong pag-update ng framework na ito. Kabilang dito ang local government units.

Magiging tungkulin ng bawat paaralan na bumuo at taunang mag-update ng School Safety Plan at ihanay ito sa school safety framework. Magiging mandato rin sa mga paaralan ang pagkakaroon ng School Safety Handbook kung saan ilalatag ang mga polisiya, mga proseso, emergency infor­mation, at iba pang mga serbisyo para suportahan ang mga mag-aaral.

Magiging laman din ng School Safety Handbook ang School Code of Conduct upang malinaw na tukuyin ang mga hindi katanggap-tanggap na gawain, gayundin ang kaukulang paraan ng pagdidisiplina at restorative interventions.

Patuloy nating isusulong ang mga hakbang at programa upang gawing mas ligtas ang ating mga paaralan para sa ating mga mag-aaral.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with