^

PSN Opinyon

Pangarap na kalawakan, ‘di angkop sa bitukang nagugutom

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

“Yes, we are going to launch a rocket into space!”.

Isa ito sa naging tampok sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang planong paglulunsad ng kauna-unahang rocket test sa Pilipinas. Ang hakbang na ito ay naglalayong itayo ang unang spaceport ng bansa sa Cagayan sa pakikipagtulungan ng isang South Korean aerospace firm.

Umani ng mga batikos ang planong paglulunsad ng kauna-unahang rocket ng Pilipinas sa 2027 dahil sa mga isyu ng prayoridad sa gitna ng kahirapan, malaking gastos sa pondo, at epekto sa kalikasan.

Sinasalamin nito ang pangarap sa kalawakan sa gitna ng mga pang-araw-araw na hamon sa lupa kung paano sabay na aangat ang teknolohiya sa itaas at ang kabuhayan ng tao sa ibaba.

Nagpahayag ng pagdududa ang ilang kritiko sa planong rocket program dahil kung tulay, kalsada at dike ay hindi magawa ng maayos ay rocket pa sa kalawakan ang ambisyon. Dapat ay iprayoridad muna ng pamahalaan ang pag-aayos ng sirang transportasyon, mahinang sistema ng kuryente, at kahirapan sa mga lalawigan sa lupa kaysa sa kalawakan.

Masarap mangarap ng mataas, ngunit masakit ding maramdaman ang katotohanan ng mabagal na takbo ng pang-araw-araw na buhay. Ang layuning pang-kalawakan na isang mataas na proyekto ay hindi angkop sa agarang bituka ng nagugutom. Nagpapatuloy ang pasanin ng mamamayan sa mahal na pagkain, pagtaas ng petrolyo at taas ng singil sa kuryente. Mas dapat unahin ng gobyerno ang mga pangunahing pangangailangan ng taumbayan tulad ng trabaho, pagkain, at murang bilihin sa halip na programa sa kalawakan.

Nag-aalala ang publiko sa posibleng paggasta ng mala­king halaga ng pondo ng bayan para sa nasabing proyektong kalawakan at mga pangamba sa posibleng masamang epekto ng pagpapatakbo at paglulunsad ng rocket sa kalikasan. Kaya bago pangarapin ng pamahalaan ang tungkol sa kalawakan ay unahin muna kung paano mapaunlad ang pangangailangan ng mga tao sa lupa.

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with