Lalaki, nakalimutan ang password ng RFID chip na itinanim sa kanyang kamay!
ISANG “real-life cyborg” ang namumroblema ngayon matapos niyang makalimutan ang password ng RFID chip na nakabaon mismo sa kanyang palad, dahilan para hindi niya na ito magamit o mabago.
Si Zi Teng Wang, isang magician at molecular biologist, ay nagpa-implant ng chip sa pagitan ng kanyang hinlalaki at hintuturo ilang taon na ang nakararaan.
Bilang isang magician, gusto niyang gamitin ang teknolohiya para paigtingin ang kanyang mga pagma-magic.
Ang orihinal na plano ay kapag idinikit ng isang audience member ang kanilang smartphone sa palad ni Wang, may “magic trick” na automatic na gagana o lalabas sa screen ng telepono.
Gayunpaman, hindi ito naging epektibo sa kanyang mga stage performances dahil mahirap hanapin ang sensor sa iba’t ibang klase ng cell phone, na sumisira sa ilusyon ng magic.
Kamakailan, sinubukan niyang i-reprogram ang chip (na kasalukuyang naka-link lamang sa isang image-hosting site na Imgur), ngunit doon niya natuklasang nakalimutan na niya ang password.
“Na-lock out ako sa teknolohiya ng sarili kong katawan, na nakakaabala pero nakakatawa rin,” ani Wang.
Ayon sa kanyang mga kaibigang tech experts, ang tanging paraan para mabuksan ito ay ang “brute force” method o ang pagdikit ng RFID reader sa kanyang kamay nang ilang araw o linggo habang sinusubukan ng computer ang lahat ng posibleng kombinasyon ng password.
- Latest




















